WIKANG FILIPINO, GINAGAMIT MO PA RIN BA?
According to our National Hero Dr.Jose
Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho
at malansang isda." Because of our language we will be united and it will
also help us understand each other. And because of our lanuage we will
identified as a Filipino Citizen.
Ngayong Agosto, ipinagdiriwang natin ang
Buwan ng Wika. Na kung saan pinapaalala sa atin ang ating pagiging tunay na
Pilipino sa pamamagitan ng ating Pambansang Wika, ang Wikang Filipino.
"Wika Natin ang Daang Matuwid," ito ang tema ng ating buwan ng wika.
Ang nais ipahiwatig nito ay ang ating sarilimng wika ay makatutulong din upang
tayo ay maging maunlad, magkaroon ng kapayapaan, matitigil ang mga masasamang
bagay na nangyayari sa ating lipunan at ano mang bagay na nais nating gawin at
linangin na makakabuti sa ating bansa. Kung minsan nakakatulong din ang mga
salitang ating binibigkas mula sa ating mga bibig. Lalo na kung ang mga
salitang ito ay mabuti, naiintindihan ng bawat isa, susi sa ating pag-asenso at
daan na rin upang tayo ay makarating sa sinasabing daang matuwid. Tulad ng mga
salita o katagang lalaban tayo, sama-sama sa pag-unlad, walang susuko, gawin mo
ang tama at iba pang makahulugang salita ay mas lumalakas ang ating loob na
gawin ang nararapat upang ang baluktot na daan ay maisaayos at gawing matuwid.
Ngayon gumagamit na tayo ng laptop,cellphones at pati mga social networking
sites ay di tayo nagpapahuli. Dahil sa mga ito mas nagiging mabilis ang ating
komunikasyon sa isa't isa. Ang komunikasyon na ito ay minsan din ay may
malaking papel na ginagampanan sa ating bansa. Mas mabilis nating
ipinapaintindi sa lahat o di kaya'y sa ating pamayanan ang tunay na sagot sa
pag-asenso ng ating bansa.
We are Filipino. We should treasure our
own language. We should be proud of who we are. Before we use another dialect
or language we should use first our own dialect or language given to us by the
late President Manuel L. Quezon.