Wednesday, August 21, 2013


WIKANG FILIPINO, GINAGAMIT MO PA RIN BA?

According to our National Hero Dr.Jose Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda." Because of our language we will be united and it will also help us understand each other. And because of our lanuage we will identified as a Filipino Citizen.
Ngayong Agosto, ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika. Na kung saan pinapaalala sa atin ang ating pagiging tunay na Pilipino sa pamamagitan ng ating Pambansang Wika, ang Wikang Filipino. "Wika Natin ang Daang Matuwid," ito ang tema ng ating buwan ng wika. Ang nais ipahiwatig nito ay ang ating sarilimng wika ay makatutulong din upang tayo ay maging maunlad, magkaroon ng kapayapaan, matitigil ang mga masasamang bagay na nangyayari sa ating lipunan at ano mang bagay na nais nating gawin at linangin na makakabuti sa ating bansa. Kung minsan nakakatulong din ang mga salitang ating binibigkas mula sa ating mga bibig. Lalo na kung ang mga salitang ito ay mabuti, naiintindihan ng bawat isa, susi sa ating pag-asenso at daan na rin upang tayo ay makarating sa sinasabing daang matuwid. Tulad ng mga salita o katagang lalaban tayo, sama-sama sa pag-unlad, walang susuko, gawin mo ang tama at iba pang makahulugang salita ay mas lumalakas ang ating loob na gawin ang nararapat upang ang baluktot na daan ay maisaayos at gawing matuwid. Ngayon gumagamit na tayo ng laptop,cellphones at pati mga social networking sites ay di tayo nagpapahuli. Dahil sa mga ito mas nagiging mabilis ang ating komunikasyon sa isa't isa. Ang komunikasyon na ito ay minsan din ay may malaking papel na ginagampanan sa ating bansa. Mas mabilis nating ipinapaintindi sa lahat o di kaya'y sa ating pamayanan ang tunay na sagot sa pag-asenso ng ating bansa.
We are Filipino. We should treasure our own language. We should be proud of who we are. Before we use another dialect or language we should use first our own dialect or language given to us by the late President Manuel L. Quezon.


No comments:

Post a Comment